






Rizal
RIZAL: Isang orihinal na produksiyon ng Nasakilak Theater Production na magbibigay-buhay sa kasaysayan sa pamamagitan ng teatro, musika, at sining.
Isang makabagong pagsasadula ng buhay, pag-ibig, at kabayanihan ng ating pambansang bayani, Dr. Jose P. Rizal.
Tara na, mga ka-sining! Ating tunghayan at Suportahan ang orihinal na dulang Pilipino at sama-sama nating buhayin ang diwa ni Dr. Jose Rizal sa entablado.
Nilo Jumawan Obrero Jr.
The Director
Sa ngalan ng buong Nasakilak Theater Production, taos-puso ko kayong inaanyayahan na tunghayan ang aming orihinal na produksiyon, “RIZAL: Isang Dulang Musikal.”
Higit pa sa isang pagtatanghal, ito ay isang paglalakbay sa buhay, mga adhikain ni Dr. Jose P. Rizal, isang bayaning ang mga aral ay nananatiling gabay sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Sa panahong patuloy na hinaharap ng ating lipunan ang iba’t ibang hamon, nawa’y magsilbing paalala ang dulang ito na ang pagmamahal sa bayan ay naipapakita hindi lamang sa malalaking sakripisyo kundi maging sa ating pang-araw-araw na pagkilos, katapatan, at malasakit sa kapwa.
Bilang manunulat at direktor, hangad kong maiparating sa bawat manonood ang isang makabuluhan, makahulugan, at makabagong pagtingin sa buhay ni Rizal, isang pagtatanghal na hindi lamang nagbibigay-aliw kundi nagbibigay rin ng inspirasyon at pag-asa.
Maraming salamat sa inyong suporta sa sining at sa mga kuwentong Pilipino. Nawa’y sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng pagiging makabayan sa pamamagitan ng teatro.
Mabuhay ang sining. Mabuhay ang kabataang Pilipino. Mabuhay ang ating bayan!

Our SHOWS




